Namana kami at naisipan kong tumawag kila nanay para inform kong doon kami mag lunch sa kanila.. pero naisipan ko nading i-on the spot call prank si tatay kaya ito ang nangyari.. sinabi kung nabutas yung banka at kailangan namin ng rescue.. hahaha
Bumili po ako ng 5 kilong Kamoteng kahoy puti at dilaw pala at ginataan namin with bagong bigas. Namigay tayo sa kapit-bahay at kila nanay at antie sa Dahat. Masarap na miryenda lalo na kapag umuulan..
After mamitas namin ng santol naligo po kami sa dagat.. at take note merong isang halamang dagat na namumunga ang baryaw na kung saan pwedeng kainin ang bunga nito kaya namitas kami at kumain.. dumaan din kami sa bakawan at kumain ng talaba.
Umakyat kami ng puno ng santol para mamitas at siyempre habang nasa taas kumakain nadin kami. nakakuha kami ng halos kalahating balde at namitas nadin ng pinya at tisa.. siyempre namigay tayo ng santol sa mga kapamilya. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video sa inyong mga playlist at ibang social media accounts like FB, Twitter atbp.. para mabalikan ko po kayo sa inyong mga bagong bibibuild-up na mga bahay..salamat din sa mga nag-iiwan Ng mga marka dahil kagaya ko kailangan mo din Ito..
Silipin natin yung mga bubo sa ilalim ng dagat.. Madaming huli yung isang bubo mga sampung piraso may dalawang lapu-lapu na isda at mol-mol at marami pang iba. namana nadin kami at madaming nakuha at siyempre nagtapil nadin kami o nagkawil habang nasa banka.
Naglaglag kami ng bubo sa malayong bahura at namana spear fishing. Maswerteng nakakuha kami ng isda sa bubo at mas marami kaming nakuha sa pamamana at mas malalaki pa.. kaya sagana kami sa ulam
Nakakuha ng malaking indong, Igat, or Eel sa pamamana ang mga tangay at may haba na mga 1.3 meters at more or less 5 kilos. Ginataan namin ito at dinaing ang iba. Nakakuha din ng mga parrot fish at grouper.
Pumunta po si Tangay TV sa Culion Palawan para mag donate ng blood sa kapatid namin para reserve lang just incase na kailangan niya ng extra blood for her operation.. unfortunately si Chad lang nakunan dahil medyo mataas BP dahil palakad lakad ako. we go around at nakita ko ang mga balinsasayaw sa isang building at siyempre nadaanan din natin ang isa sa pinakasikat ding Resort ang SUN light na makikita sa bahaging Culion at ang mga Resort sa Busuanga like Alfaro Resort, Busuanga Bay Lodge at Marina Del Sol.
Nilagay namin ang aming mga bubo sa may digpi at bahura para malaman namin kung papasukin siya ng mga isda.. Meron naman kaming nakuhang ilang piraso pero kaya ok nadin yun para sa aming pang-ulam..
Naglagay kami ng mga bubo sa bakawan malapit sa mga Resort ng Busuanga Bay Lodge, Alfaro Resort at Marina Del Sur Sa may Lawi Pero Wala kaming nakuhang alimango ngunit meron namang 17 pcs na alimasag.. so ok narin yun para pang-ulam namin.
Catch & Cook mga tangay.. ginataan namin yung huli naming alimango at mga alimasag nilagyan ng kalabasa talong at chinese malungay.. lutong bahay sariwa at masarap.. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video sa inyong mga playlist at ibang social media accounts like FB, Twitter atbp.. para mabalikan ko po kayo sa inyong mga bagong bibibuild-up na mga bahay..salamat din sa mga nag-iiwan Ng mga marka dahil kagaya ko kailangan mo din Ito..