Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo 20, 2021

Mga Bubo Nakahuli Ng Alimango At Mga Alimasag

Tatlong beses namin inarya ang bubo para makaipon ng alimango at mga alimasag na gagataan. nakakuha kami ng isang alimango at 23 pirasong alimasag at 2 isda kaya ginataan namin ito para ulam sa tanghalian. Ginawa lang namin ang bubo para panghuli lang ng pang-ulam.. sa susunod arya namin sa bahura para makahuli ng isda.

How To Play The Cashew Nuts Paano Laruin Ang Buto Ng Kasoy

Naglaro kami ng mga buto ng kasoy mga dating larong pinoy sa Busuanga Palawan kapagka panahon ng kasoy.. Merong limang laro na madalas laruin ng mga batang Palawan gaya ng Siklot, Adding, Taching, Shutan at Targetan. Mga larong pinoy na unti unti ng natatabunan ng makabagong panahon dahil sa mga electronics at gadget. So paminsan minsan muli nating balikan ang mga dating nakagawian.

Paano Manguha Ng Lato Sa Hibasan How To Get Seaweeds During Low Tide

Hibas or low-tide po ngayong araw kaya naisipan kong manginas at manguha lang ng lato para may pandagdag sa ulam.. kaya mabilis lang kaming nakakuha ng isang palangganang lato para lang sa dalawang araw na ulaman. So salamat s aDios sa mga yamang dagat na nakapaligid sa amin dahil kahit papaano ay nakakakuha kami ng mga sariwa at masasarap at libring ulam mula sa dagat.. marami siya actually pero limit lang yung kinuha namin para meron pang balikan sa ibang araw at ganon din ang ibang mga taong gusto din manguha ng lato.

Fishing Kahit Hibla Ang Pain Daming Isda Na Kumakain

Bundak is a kind of long line fishing with small hooks and nylon. Ginagamitan ng rintik na iba't-ibang kulay depende sa gusto mo.. meron maliit na kawil/hook at nylon.. usually nilalagyan ng mga 7-20 hooks ang isang line. Nakakahuli ito maalas ang mga puting isda gaya ng talakitok, salay-salay, putian, galonggong, turay, matambaka, dalagang bukid, at iba pang isda na puti. madalas nagbubundak sa umaga at sa hapon at sa mga panahon na umuulan-ulan na.

Daming Mga Manok Si Tatay Feeding The Chicken

Maraming manok si tatay at umaga hapon ang pakain niya kaya kapag hapon pinagkakaguluhan siya ng mga manok niya. meron din siyasng mga kalapati. Si nanay naman busy sa mga bulaklak niya.. buhay probinsiya simple pero masaya.

Paano Gumawa Ng BuBo Traps Gamit Ang Green Screen

Gumawa kami ng siyam na bubo para sa isda at alimango nilagyan ko ng name tags para merong palatandaan ng TANGAY TV at malalaman ko kung kaninong mga bubo ang makakahuli.. hindi pa siya naihuhulog sa dagat pinasukan na agad ng mga manok.. gusto ko ding ma enhance and develop yung skills ng mga pamangkin ko sa craftmanship at knitting ng mga lokal products. at magamit sa kabuhayan para dina bibili ng isdang pang ulam.

Mga Huli Sa Gabi Night Spear Fishing

Ang gaganda na naman ng isdang napana ng mga tangay ngayong gabi. Di tayo nakasama dahil busy tayo sa shop.. nakakuha sila ng isang Grouper na about 3.5kls. maraming variety ng lapu-lapu at ibat ibang parrot fish, samaral, dalagang bukid, matampusa, at marami pang iba. Sarap ng buhay sa probinsiya sagana sa mga yamang dagat.

Namitas Ng Sitaw Sa Pinsan Ko libre gulay

Maligo sana kami sa pinsan ko nauwi sa pamimitas ng sitaw at di nadin ako nakaligo dahil may mga customer na naghihintay sakin sa shop kaya nagmadali nakong umuwi.

Ganito Manguha Ng Talaba Sa Napakaganda At Malawak Na Bakawan

After manguha kami ng tamilok or mangrove worm ay nanguha nadin kami ng talaba at leche-leche or oyster sa malawak na bakawan.. sinigang namin yung tamilok at napakasarap pala niya at ganon din ang talaba at kapis na siyang ulam namin nong gabi.. solve ang dinner ng mga tangay..

Mangrove WormsTamilok Or Uod Sa Bakawan Exotic Seafood Delicious

Tamilok or mangrove/wood worm ay isang exotic food na nakukuha sa mga patay na sanga or puno ng bakawan. ito ay may iba't ibang laki at haba na karaniwang puti or transparent ang mahabang katawan nito at nakikita ang putik na nasa loob ng katawan. Meron itong malauhog na mukha na madaling maputol at may matigas na shell sa may ulunan na tila ngipin at ganon din sa bundot nito na parang hugis samurai.
Gumawa kami ng 8 trap sa labuyong manok sa isang bukid at mapalad na nakakuha kami ng babaeng labuyo. Kinulong muna ni Jan-Jan para madagdagan saka lulutuin. Nagenjoy kami habang gumagala sa mga bukid habang gumagawa ng mga silo. pagkatapos naming magkabit ng mga silo nagpahinga kami ng dalawang oras at nag miryenda muna sa ilalim ng mga punong kahoy, inabutan nadin kami ng ulan at madali naming binalikan ang mga silo at mapalad na nakahuli ng isang pirasong labuyong manok.

Pamamana Spearfishing Till Midnight Daming Huling Isda Lobster At Sea Cucumber

Namana kami sa gabi mga tangay using bow/spear fishing from 9pm to 12 midnight. luckily we got a lot of fish. Nakakuha din tayo ng lobster. Masarap mamana sa gabi lalo na kung kalmada dahil mas magaganda ang isda sa gabi plus hindi masyadong mailap ang mga isda.
Our Male duck was dancing and playing in the sea behind our house while raining.. His wife is currently warming her eggs.. so he's playing and enjoying himself alone.. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video.. Salamat po mga tangay.
Every summer time naging tradition na ng mga Filipino ang pagtutuli. Ito rin kasi ang panahon na kung saan ay bakasyon ang mga bata. Kaya karaniwang nagpapatuli sila tuwing bakasyon. At siyempre ito ay ginagawa sa Barangay Health Center tuwing Bakasyon. Ang pagtutuli ay isang covenant ng Dios sa mga Kalalakihan. Ito ay mababasa sa iba't-ibang verse sa Biblia gaya sa Genesis 17:10-11. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video.. Salamat po mga tangay.

Kilawin Abalon Shell O Simbray Fresh Seafood

Mga tangay ginataan namin ang iba't ibang mga shell na nakuha namin sa isla. At siyempre kailangan mong itaktak, sipsipin at gamitan ng perdeble ang mga shell na ito bago mo makain. Yng simbray ay ginawa naming kilawin fresh lang siya at nilagyan lang ng dinikdik na mangga at mga spicy.. Masarap palang kilawin ang Simbray or Abalon Shell.
Ang Kegteng or kogtong or Lapu-Lapu- Grouper ay isang isda na malaki ang bunganga at matalas ang mga ngipin at hasang nito. Meron itong Dotted Brown at black color. Maaring Lumaki ito ng 2-3 meters at may bigat na 200 - 310 kilograms. Sinasabing maari kang mahigop nito kapag nag inhale siya. Pero ang nakuha ng mga tangay ay maliit palang na may timbang na halos 2 kilo lang pero malaki na ang bunganga nito.
Nakakuha kami ng iba't-ibang mga sea snail nong bungkalin namin ang mga bato. Doon pala usually nagtatgo ang iba't-ibang mga sea snails kaya marami din kaming nakuha.. siyempre para di masira ang kanilang mga tirahan dapat ding ibalik sa kanyang kinalalagyan ang mga bato. Nakakuha kami ng simbray o Abalon shell at marami pang klaseng sea snail family..
Nanguha kami ng Sea Snail sa isang swamp area sa isang magandang isla. target sana naming kunin ang malalaki pero tatlo lang nakuha namin at ang maliliit lang ang aming nakuha..

Harvest Fruits From Our Land

Binisita namin mga lote sa Barangay Sagrada at namitas kami kung anong merong ma harvest.. Namitas kami ng apple mango, indian mango,langka, at saging. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video.. Salamat po mga tangay.