Gumawa kami ng siyam na bubo para sa isda at alimango nilagyan ko ng name tags para merong palatandaan ng TANGAY TV at malalaman ko kung kaninong mga bubo ang makakahuli.. hindi pa siya naihuhulog sa dagat pinasukan na agad ng mga manok.. gusto ko ding ma enhance and develop yung skills ng mga pamangkin ko sa craftmanship at knitting ng mga lokal products. at magamit sa kabuhayan para dina bibili ng isdang pang ulam.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento