Ang Kegteng or kogtong or Lapu-Lapu- Grouper ay isang isda na malaki ang bunganga at matalas ang mga ngipin at hasang nito. Meron itong Dotted Brown at black color. Maaring Lumaki ito ng 2-3 meters at may bigat na 200 - 310 kilograms. Sinasabing maari kang mahigop nito kapag nag inhale siya. Pero ang nakuha ng mga tangay ay maliit palang na may timbang na halos 2 kilo lang pero malaki na ang bunganga nito.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento