Tatlong beses namin inarya ang bubo para makaipon ng alimango at mga alimasag na gagataan. nakakuha kami ng isang alimango at 23 pirasong alimasag at 2 isda kaya ginataan namin ito para ulam sa tanghalian. Ginawa lang namin ang bubo para panghuli lang ng pang-ulam.. sa susunod arya namin sa bahura para makahuli ng isda.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento