Nakakuha kami ng iba't-ibang mga sea snail nong bungkalin namin ang mga bato. Doon pala usually nagtatgo ang iba't-ibang mga sea snails kaya marami din kaming nakuha.. siyempre para di masira ang kanilang mga tirahan dapat ding ibalik sa kanyang kinalalagyan ang mga bato. Nakakuha kami ng simbray o Abalon shell at marami pang klaseng sea snail family..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento