Gumawa kami ng 8 trap sa labuyong manok sa isang bukid at mapalad na nakakuha kami ng babaeng labuyo. Kinulong muna ni Jan-Jan para madagdagan saka lulutuin. Nagenjoy kami habang gumagala sa mga bukid habang gumagawa ng mga silo. pagkatapos naming magkabit ng mga silo nagpahinga kami ng dalawang oras at nag miryenda muna sa ilalim ng mga punong kahoy, inabutan nadin kami ng ulan at madali naming binalikan ang mga silo at mapalad na nakahuli ng isang pirasong labuyong manok.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento