Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo 23, 2021

Spearfishing During Night Malalaking Isda Nakukuha

Namana ang mga tangay sa isang Japanese Wreck at marami silang nakuhang mga grouper, parrot fish, danggit, dalagang bukid at marami pang iab..

Babala At Paalala Ng Philippine Coast Guard Sa Lahat Ng Mangingisda At Naglalayag Sa Karagatan

Mahigpit na babala at paalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga mangingisda at naglalayag sa buong Pilipinas ang mga sumusunod para maiwasan ang mga trahedya at aksidente sa karagatan: 1. Alamin ang lagay na panahon bago pumalaot. 2. Makinig sa radyo at manood ng television ukol sa mga ulat panahon. 3. Huwag maglayag pag may bagyo o kapag masama ang panahon. 4. Tumulong sa pagbibigay ng mga paalala, babala at pagbabawal sa paglalayag sa panahon ng bagyo sa iba pang mga kasamahang mangingisda. 5. Kung maganda ang panahon, tiyaking maayos ang makina at mga katig ng bangka bago maglayag at magdala ng mga gamit pangkumpuni. 6. Ipagbigay alam sa inyong barangay kapitan o lokal na opisyal ang gagawing paglalayag at mag-iwan ng contact number. 7. Alamin at tandaan ang mga hotline numbers ng Coast Guard, NDCC, AFP PNP at ng inyong mga barangay at bantay dagat. 8. Magdala ng sapat na life jackets, flashlights, baterya at pito sa paglalayag. 9. Magdala rin ng fully charged na cell phon...

Scorpion Crabs Mud Crabs Manla Ginataan

May naglako po ng Mad Scorpion o Manla sa Busuanga Palawan. itoy galing sa karatig baranggay 8 piraso ang isang tuhog sa halagang 150 ay bumili ako dahil masarap itong gataan. kahit meron siyang after taste masarap padin dahil ang laman ay halos pareho sa alimango. Ang Scorpion ay karaniwang nakukuha sa malabuhangin na putik at meron itong butas kung saan doon siya nakatira sa ilalim. nakukuha ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bamboo trap sa butas ng bahay. karaniwang lumalabas ito sa gabi para kumain at nasa loob naman ng bahay nito sa araw. makikita mo na mataba ang manla or scorpion crabs kapag ka naninilaw o mala orange ang buntot nito.

Boodle Fight Food Trip Tayo Sa Bukid

Pumunta kami sa bukid nila auntie para manguha ng burot at tagya kaya naghanda narin kami para sa isang boodle fight na lunch.. siyempre marami kaming naihandang mga simpleng pagkain.. nagihaw kami ng isda, meron kaming petsay, sili, kasoy, langka, buko, bagoong, daing, sawsawan, tagya siyempre bagong bigas na kanin. Kaya simpleng budol fight na masaya at busog kaming laha. Salamat sa Dios sa mga biyaya at kalakasan na binibigay niya sa araw-araw.

Pinakasikat At Paboritong Pasyalan Ng Mga Turista Na Waterfalls Sa Busuanga Palawan

Concepcion Falls Ito ay isa lamang sa pinakasikat na mga waterfalls na matatagpuan dito sa Busuanga Palawan. Halos araw-araw ay may mga pumupunta dito at halos laging puno. makikita dito parate ang pagdagsa ng mga local at foreign tourists. Matatagpuan ito sa pagitan ng Barangay Sagrada at Barangay Concepcion. summer time man or rainy days walang humpay padin ang mga bumibisita dito para mag enjoy sa malamig na tubig ng falls. Ito at may mababaw at malalim na bahagi na pwede sa mga bata at mga may edad na.. Dinarayo ito ng mga tao dahil sa malawak din na pool niya at pwedeng magdive at lumapit mismo sa bumabagsak na tubig nito. Meron din itong mga waiting shade at lamesa para sa mga kumakain at merong ding CR. siyempre lahat ng mga bumibisita ay kailangang mag log-in at maglista ng pangalan para malaman kung sino ang mga bumisita sa araw na yaon para din malaman ang records kung sakaling may mangyaring aksidente sa loob ng waterfalls. Siyempre bawal magkalat ng basura dito..

Alfaro Resort In Busuanga Palawan During Covid -19 Pandemic

Napadaan lang kami sa isa sa mga popular at magandang overlooking sunset view na resort na matatagpuan malapit dito sa Barangay Concepcion, Busuanga Palawan at siyempre binigyan nadin tayo ng chance ng caretaker na maikot ang resort para makita ang paligid nito sa kabila na sarado po ang resort ngayong mga panahon dahil sa nangyaring Corona Virus O COVID -19 Pandemic.. Halos lahat naman ng resort ay walang operation dahil sa nangyaring epedemya globally at siyempre wala pang malinaw na balita sa ating gobyerno kung kelan babalik talaga ang normal na buhay na maaari ng magtravel ang mga local and foreign tourist para maghang-out, bumisita, magbakasyon, magrelax at mag-enjoy ang mga turista, Para bumalik na sa normal na operation ang bawat resort kabilang na ang isa sa pinakakilala at popular ding resort dito sa Busuanga Palawan..ang AlFARO RESORT.

Fishing in Mangroves Bingwit Ng Mga Isda Sa Bakawan

Nagbingwit lang kami mga tangay sa loob ng bakawan na malapit sa mga kabahayan. malalim ang dagat kaya may mga isdang pumapasok dito. nakakuha kami ng mga maliliit na isda at boteteng lumalaki ang tiyan. subalit bigo kaming makakuha ng isdang kanumpok na kumakain ng mga nasty food sa bakawan.

Hunting Derby Spiders Huli Ng Gagamba

Dahil sa request ng ating viewer na makakita ng mga iba't-ibang klaseng gagamba dito sa busuanga Palawan, umikot po tayo sa magagandang lugar at tumingin sa bawat madaaanan ng mga gagamba at siyempre first time ko din na makakita ng iba't-ibang klaseng gagamba.. maraming magagandang gagamba ang makikita sa bukirin at kadalasan itong nakatago sa araw at makikita lamang ang kanilang mga bahay. Meron namang ibang nakaantabay sa kanilng mga spider web para mag-abang ng kanilang mga makakain. Ang maliliit na gagamba ay kadalasang pinaglalaruan ng mga Pilipino para pagsabungin. Pero ito ay pinagbabawal nadin ata ng mga kunauukulan sa kasalukuyan..

Pwedeng Gawing Alak At Kainin Bungang Kahoy

Nakadaan kami ng mga puno ng Inyam isang wild tree na kinakain ang bunga maliliit lang na bilog kulay berde paghilaw pa at nagiging pula orange at itim kapag hinog na.. kamukha siya ng bignay na ginagawang alak.

Ants House Bahay Ng Langgam Sa Sanga

Nadaanan ng mga tangay ang isang puno na may isang malaking pugad ng itim na langgam. Napakalaki ng pugad na ito at naglalaman ng napakaraming itim na langgam. Malalaking langgam at ito ay sinubukan namin kung masakit ding mangagat. Oo nangangagat ito at patuloy na naglalabas [pasok ang mga tao nito sa loob ng bahay.

Repair Ng Kalsada Bayanihan Road Repair

Dahil sa sirang road access papasok sa tandol at para maiwasan ang aksidente ay nagtulong tulong ang mga ilang residente ng tandol na ma semento agad ang lubak na daanan kasama ang mga tangay na agad maayos ang sirang daanan. Salamat kay Poldo at mga tangay kay kagawad Rogelio Abreu sa pagtulong na makakuha ng buhangin at Mr. Rey Carillo sa pag donate ng 2 sakong cement at sa mga tumulong para agarang maayos ang ating daanan. Bayanihan, pagkakaisa at sama-sama para mabilis at magaan ang paglutas ng problema.. Salamat mga tangay..

Sea Snake Caught In Spearfishing Ang Laki Ng Ahas

Kasama ang mga pamangkin ko.. sumama sila sa pamamana at ma-swerteng nakakuha ng magagandang isda at siyempre bunos na ang malaking igat indong eel nakuha nila. madalas sa araw pinapana dahil matapang ang eel lalo na kung ganito na kalaki. posibleng mangagat at umatake ito kapag pinana mo sa gabi at dimo ito natamaan..

Giant Squid Spearfishing In Deep Corral Reef

Sinisid namin yung malaki at malalim na bahura.. Nakakuha kami ng malaking tauban Squid habang namamana Spear fishing sa isang bahura.. may biga itong 3.25 kilos at may haba na 29 inches mula sa dulo ng galamay.. siyempre nakakuha nadin kami ng magagandang isda

Meeting Nemo House Found In Corral Garden

While fishing, I decided to look for Nemo and his beautiful house and we found one under a beautiful corral garden with big house because he was grown and have family.. wonderful experienced to see Nemo's actual house under the sea.. Mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video sa inyong mga playlist at ibang social media accounts like FB, Twitter atbp.. para mabalikan ko po kayo sa inyong mga bagong bibibuild-up na mga bahay..salamat din sa mga nag-iiwan Ng mga marka dahil kagaya ko kailangan mo din Ito..

Giant Squid Their Eggs And Nest Inside The Corrals

Nakakuha kami ng malaking tauban Squid habang namamana Spear fishing sa isang bahura.. may biga itong 3.25 kilos at may haba na 29 inches mula sa dulo ng galamay.. at siyempre nadaanan na din namin ang itlugan ng tauban sa mga corrals. naka insert pala ito sa mga corrals para di basta makain ng ibang mga isda, turtle at iba pang predators.