Panggas, tugda, patanim, planting upland rice sa mga probinsiya. sa mga bukirin at kabundukan at kapatagan. bayanihan ng mga magsasaka sa bukid. Masaya dahil may nagbubutas ng lupa tinatawag na tugda at naglalagay ng mga palay sa butas tinatawag na pukayaw at nagtatakip ng butas tinatawag na gibo sa kuyunin. Masaya sa mga panggasan dahil madaming nakikibayanihan, may kantahan, inuman tugtugan at kainan ng agahan at tanghalian at pamiryenda. kuwentuhan biruan, tawanan at puro kalokohan. kaya nakakainganyo ang mga tugtog at sinasabayan ng mga nagtutugda.