Isinama ako ni anti sa aming inhireted property sa Sitio Paltukan para icheck ang status ng lupa at nakita namin na pinapasok ito ng mga illegal loggers. Ang daming pinutol na mga century woods at mga maliliit sa loob at labas ng property. Isa itong malinaw na Trespassing, Criminal Trespassing, Illegal logging, Kaingin sa tapat ng mga water source. na kung hindi mahihinto at mabigyan ng lunas ay tuluyang masisira ang mga bundok at matuyo ang mga water source sa lugar. Sana mabigyan ito ng pansin at aksiyon ng mga kinauukulan mula sa hanay ng Barangay, DENR at DILG para mahinto at mabigyang kaparusahan at multa ang mga taong sangkot dito.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento