Pumunta kami sa bundok at napadaan sa isang puno na maraming bunga na parang duhat na maliliit kaya namitas kami at inagawan namin mga ibon at kumain. May mga punong kahoy sa gubat na pwedeng makain kapag ikaw ay nagutom. Kaya salamat sa Dios sa mga punong nagbibigay ng bunga na pwedeng kainin ng mga tao at hayop.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento