First time kong makakita At Nagulat ako at namangha kay uncle nong makita kong pinapakain ang dalawang inakay sa kanyang bunganga. nakuha niya daw ito noong maliit pa, Noong una di alam pakainin dahil kahit anong subo niya ayaw bumuka ng bibig at ayaw kumain. Di gaya ng ibang inakay na bumubuka ng kusa ang bunganga. Kaya naisip niya kung paano ang ginagawa ng isang inang ibon sa mga inakay. nagulat siya noong subuan niya sa pamamagitan ng kanyang bunganga ay tumuka at kumain ang mga inakay habang nasa bunganga ang pagkain.. Ngayon meron ng mga pakpak at umaasang paglaki ay matuto ng tumuka ng sarili at matutong lumipad at mabuhay sa kanilang mga sarili.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento