Ang Kapis, talaba at iba pang shell na makukuha sa bakawan ay isa sa mga pangunahing pagkaing kinukuha namin sa Busuanga Palawan. Itoy makikita sa mga sanga sangang ugat at nakasingit sa mga ugat ng bakawan.
Karaniwang matataba ang mga kapis at talaba at meron itong iba't -ibang laki. hindi rin madali ang pagkuha ng mga Kapis at talaba dahil kailangan mo itong hanapin sa mga puno ng bakawan. Kailangan mo ding lumusong sa tubig at putikan lalo na kung hindi low-tide. Bukod sa kapis at talaba nakakuha din kami ng kibaw or Mad clams na mas mahirap kunin dahil kailangan mong apak-apakan sa ilalim ng putikan. mas mainam itong kunin kapag ka hindi masyadong malalim ang dagat.
Bukod sa mahirap kunin dimo maiwasang kagatin ng mga nik-nik sa bakawan at lumubog sa mga putikan. Kaya mainam na manguha ng mga naturang pagkain sa bakawan kapagka mababaw ang dagat. magdala ng mga gamit tulad ng itak, guwantes, basket at masasakyan gaya ng balsa o banka. Masarap kainin ng sariwa ang kapis. Banlian lang siya ng tubig na mainit pwede ng kainin kaya lang medyo mahirap buksan dahil kailangan ng manipis na kutsilyo. Pwede rin siyang isangag para kusa na siyang bubuka at di mahirapang buksan.
amantala ang Mad clams ay mainam na ihalo sa gata, igisa at haluan ng mga gulay at gawing soup. Pwede rin itong kilawin at isawsaw sa suka. Samantala ang mga shell ay masarap sabawan at gataan din. Dito sa probinsya maraming mga halamang dagat ang pwedeng kunin at gawing ulam. libre na manguha ka nga lang sa bakawan.
Kaya huwag kalimutang panuorin ang video para makita mo ang actual na [angunguha namin ng Kapis, Talaba, Kubaw at mga shell sa loob ng mga bakawan.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento