Ang Jellyfish ay isang hayop sa dagat na may iba't-ibang uri, kulay , laki at species. Karaniwan na itong nakikita sa mga karagatan sa malalim man o sa mga baybayin na malapit sa mga aplaya. Halos lahat ng uri ng jellyfish ay makati. May mga ibang jellyfish na walang galamay ngunit madalas ay may mahahabang galamay na umaabot hanggang 2 metro o higit pa. Madalas yung mga nakikita sa mababaw na lugar ay yung mga halos puti or transparent na kulay na may mahahabang galamay. Ang mga ganitong uri ng salabay or jellyfish ay karaniwang makamandag at maaring ikamatay ng isang taong nasaputan ng galamay kapag hindi naagapan or nabigyan ng mga paunang lunas. Ito ang mga uri ng jellyfish na masyadong makamandag lalo na ang jellyfish na meron lang 3 puno ng galamay sa katawan. Ang kamandag ng jellyfish ay mabilis na kumakapit at kumakalat sa loob ng katawan ng isang tao at maaaring mamatay lalo na kapag nasaputan ang mga maseselang parti ng katawan tulad ng mga pulso, pusod, sex organ, leeg at iba pa. Bumabakat din ito at nag-iiwan ng marka sa balat lahat ng dadaanan ng sapot nito. Kapag matindi ang kapit nito sa balat ng tao ay sumusugat ito at Nag-iiwan ng marka sa balat. Kaya pinapayuhan ang lahat na mag-iingat sa dagat lalo na kapag naliligo at nagtatampisaw sa dagat. Dahil kusang lumalapit din ang mga jellyfish kapag nakakarinig ng mga nagtatampisaw sa dagat. Gaya na lamang ng isang bata na nasalabay habang naliligo kasama ng mga kapwa niya bata sa dagat. Bigla na lamng nasalabay at halos ikamatay ng bata ang kamandag ng salabay na kumapit sa kanyang mga hita at pulso sa kamay. Mabuti nalang ay naagapan at pinagtulungan siyang bigyan ng first aid ng mga kapitbahay. May mga paraan na pwedeng bigyan ng mabilis at agarang panglunas ang kuskusin ng buhangin ang mga parti ng katawan na nakapitan ng salabay para matanggal ang mga nakakapit na galamay, pwede ring haplusan ng pulot o honey para protektahan din ang kamandag at haplusan ng mainit or maligamgam na tubig ang balat na nasaputan ng galamay para huwag kumalat ang sakit at kamandag. Kaya magingat po tayo sa dagat dahil meron ding mga nakakatakot ng mga organismo sa ilalim ng dagat. Panuorin niyo po ang video para makita niyo ang ginawang first aid ng mga tao para masalba ang buhay ng batang nasalabay. Huwag po kayong makalimot na magsubscribe at mag-iwan ng inyong mga kommento sa baba.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento