Paano ba manghuli ng Landrabs or kuday gamit ang bamboo traps. Siyempre kailangan mo munang pumutol ng kawayan at putol-putulin.
Pagkatapos hiwain kailangan na butasan ang magkabilang dulo at lagyan ng trap at lock at tali para hindi makalabas ang landcrabs kapag nakapasok na sa loob.
Gumawa kami ng labing apat na bamboo traps at tumagal ito ng isang araw bago namin natapos. mabusisi din ang paggawa ng bamboo traps. kailangan mo din ng medyo mas malalaki ang butas ng kawayan para mas malaki ang makuha.
Bukod sa landcrabs or kuday ang bamboo crabs ay ginagamit din sa pagkuha ng Mad Scorpion or Manla.
Kaya naghanap kami ng lugar o isla na pwede naming lagyan ng mga bamboo traps para makahuli kami ng marami. Pumunta klami sa isang isla na merong magandang buhanginan at maraming landcrabs.
At dahil malayo ang isla doon kami nakakuha ng 15 pirasong kuday o landcrabs. may malalaki at maliliit. kailangan naming icheck every 2 hours para maharvest ang mga nahuhuling landcrabs at maglagay sa panibagong butas.
Doon narin kami natulog sa isla at nagluto ng aming hapunan.
Ang landcrabs ay karaniwang matataba at mabango kumpara sa alimango. Madalas din itong nakukuha sa panahon ng tag-ulan. Dahil mababaw lamang ang mga bahay nito sa panahon ng tag-ulan kumpara sa mga tag-init na panahon.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento