Ang kuday or Landcrabs ay isang klase ng alimasag na nakukuha sa mga buhanginan. Ito ay gumagawa ng mga butas sa ilalim ng mga buhanginan na malapit sa mga sapa or lawa na mayroong mixture ng salt and fresh water. siyempre kailangan mong gumamit ng bamboo trap para makahuli ng landcrabs or kuday. Ang Landcrabs ay masarap gataan kaya nagluto kami ng ginataang landcrabs at hinaluan namin ng mga gulay. Siyempre kailangan ng magkayod ng niyog, maghiwa-hiwa ng mga ingridients at mga gulay. siyempre masarap ang kalabasa, talong, okra at malungay sa ginataang kuday. Kaya naman nagluto kami sa labas ng bahay at sa malaking kaldero dahil marami kaming kakain
Pagkatapos magluto namigay kami sa kapitbahay at siyempre enjoy ang aming lunch for the day. Para sa inyong mga comment at suggestions maari niyo pong isulat sa comment section at huwag kalimutang panuorin ang video at magsubscribe sa TangaY TV.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento