Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo 17, 2021

Wild Ube o Burot kapari Mas Masarap Kesa Ube Nilaga Man or Ginataan

Gumawa kami ng ginataang Burot hinaluan ng ube at langka. Ang Burot o Kapari ay isang root craft na kapamilya ng starch. Kamukha din siya ng ube. Mahirap hukayin dahil maraming tinik na malakorona sa mga puno nito nakabaon at nakalutang sa lupa ang mahahaba nitong tinik na may habang 2 -3 inches ang haba. Isa itong pagkain na pwedeng lagain o gataan gaya ng Kamote, gabi at ube. Ito rin ang nagsilbing mga pagkain ng mga tao noong panahon ng World War - ll. Just leave your comment and suggestions o tanong sa comment section. Huwag po makalimot na i-like, share at magsubscribe sa Tangay Tv para updated ka sa aming mga bagong video.

Super Daldal Ng Mynah Bird Kiaw Ng Palawan

Si Kiaw o Mynah Bird ay isang ibon sa Palawan, Paborito siyang alagaan ng mga tao dahil sa angkin nitong magsalita na parang tao. Nakakasunod siya kapag paulit-ulit mong kinakausap ng isang salita at kalaunan ay nagagaya na niya. Ang palong nitong dilaw sa ulo ay humahaba palatandaan ng kanyang gulang. Masaya kausap si siyaw lalo na't marami ng alam na salita at madaldal sa lahat ng dumadaan sa bahay.

Maghanap At Maghukay Ng Wild Ube Kapari Sa Bukid Food During World War ll

Mga tangay sa Busuanga ay may mga halamang lupa na nahuhukay na nakakalason, makamandag ang mga tinik ngunit nakakatulong sa mga tao bilang pagkain mula noong mga lumang panahon na nakagisnan nadin ng mga bagong generasyon. Kaya inalam namin at naghanap kami para hukayin ang mga ito matikman at paano ang proseso para pwede siyang makain. Isa na dito ang kurot na kailangang ibabad sa asin ng 30 minuto or isang araw sa dagat at 3-4 na araw sa umaagos na tubig. hahanguin tapos huhugasan pigaan bago siya isangag at makain. pwede ring ibilad sa araw patuyuin or tinatawag na rarip bayuhin at gawing powder gaya ng harina at pwedeng ihalo sa mga matamis na ginataan. Ang burot at tagya ay mga pagkain na mahirap din hukayin pero pwede agad na ilaga pagkatapos na hukayin. Ang burot or kapari lokal name ay mas mahirap hukayin dahil sa mga makamandag na tinik sa puno na parang mga coronang naka paligid sa puno. Masarap itong ilaga at gataan. Huwag po makalimot na i-like, share at magsubscribe sa ...

Paano Niligtas Ang Batang Nasalabay Sa May Bakawan Na Nawalan Ng Malay

Mga tangay ang salabay or jellyfish ay isang makamandag at maaring mamatay ang sinumang masaputan ng kanyang galamay lalo na kung tamaan sa mga maseselang parti ng katawan ng tao. Gaya sa nasalabay na bata na halos mamatay dahil sa kamandag ng jelly fish or salabay na nasagi niya habang naliligo sa dagat. Pinagtulungan siyang bigyan ng first aid ng mga kapitbahay. hinaplosan ng buhangin, honey o pulot, pinainom ng pulot at hinaplusan ng mainit na tubig. pagkatapos ng ilang minuto ay nakarecover ang bata. binigyan din siya ng gamot ng isang nurse na tumingin sa bata. Kaya pinapayuhan ang mga bata o sinuman na mag-ingat sa dagat kapag ka naliligo lalo na sa panahon ng abril at mayo. Para sa inyong mga comment at suhestiyon o tanong maari niyo pong isulat sa comment section.

Paano Lutuin Ang Puday Landcrabs

Pagkatapos naming manguha ng Kuday or landcrabs inalagaan muna namin sa loob ng 3 araw para pakainin ng niyog or kanin para maging malinis ang lamang loob nito. Ginataan namin ngayon hinaluan ng kalabasa, talong, okra at malunggay. Kaya masarap ang ulam namin sa tanghalian at siyempre napadaan ako sa ating mga tangay sa Tandol at humingi ng Indian Mango. At Siyempre binati natin ang ating mga subscriber at viewers ng Tangay TV. Para sa inyong mga komento at tanong or suggestions mangyari pong isulat niyo lang sa comment section sa baba. Huwag kalimutang i-like, at i-share.

Mangisda Sa Gabi Magluto Kumain At Matulog Sa Banka

Nangawil kami ngayong gabi gamit ang long line fishing na tinatawag na bundak sa busuanga. Magpapadaraw muna or maglalagay ng ilaw na nakatutok sa dagat para lumapit ang mga isda lalo na ang matambaka. Tapos bubundakan kung kakain sila. Bundak ay isang long line fishing na may maliit na nylon at may nakalagay na rintik na ibat ibang kulay at may mga 6-20 na kawil na nakalagay. hihilahilain lang siya at mararamdamam mo nalang kun may huli nakapag may pumipintig at bumibigat na ang bundak. Magdamag kami ngunit bigo dahil di gaanong kumain yung matmbaka. kinabukasan namisugo nalng kami at may huli din kahit konte. Salamat sa Dios may pangulam na kami kinabukasan. para sa inyong mga komento at suggestions pakisulat nalng po sa baba para alam ko kung napanuod niyo ang video.

Sandcrabs At Manginas Matulog Sa White Sand Beach

Gumawa kami ng bamboo trap para manghuli kami ng Landcrabs or kuday at mad scorpion or manla. Pumutol muna kami ng kawayan at pinutol-putol isang araw naming ginawa ang 14 pcs. hindi masyadong malaki ang kawayan pero mas mainam kung mas malaki para mas mahuli ang mga malalaking kuday. Nagpaalam kami sa care taker sa isla at doon kami unang nanghuli ng kuday. Senuerte na nakakuha kami ng 15 pcs. Nangilaw narin kami para may pangulam nong gabi at siyempre nakakuha kami ng mga alimasag, peye at isda. Sa isla na din kami natulog para di aksaya sa gasolina. para sa inyong mga comments at suggestions pakisulat nalang sa baba at huwag kalimutang i like ang aming mga video.

Ganito kami Nag Boodle Fight Sa Garden

Ito ay biglaang boodle fight lamang.. nagihaw kami ng isda at naglagay ng papag sa garden para sama-sama kaming kumain ng tanghalian. Inihaw na mga isda, kilawing isda, kasoy, kinayod na mangga, kanin at masarap na sawsawan lang ang aming tanghalian pero masaya na naming pinagsaluhan kasama ang iba pang mga kapamilya. para sa inyong mga komento iwan niyo lang po sa baba.

Pitong Bahay Ng Honeybee Sa Loob Ng Speaker Wow

Nanaginip Si Kuya nong isang gabi na merong papasok na honeybee sa loob ng bahay nila. Kinabukasan meron ngang mga honeybee na dumating sa kanilang sala at napansin nilang maraming pumapasok sa loob ng speaker. Ayon sa panaginip niya kunin daw niya ang honey tapos ipahid sa mata at kung ano ang makita niyang numero ay tayaan sa lotto at manalo siya ng 30 million Pesos tapos magpatayo daw siya ng isang malaking bahay na maraming mga rooms na kasya lahat ng pamilya niya at mga kapatid. Pero ang masaklap di na niya naharvest yung honey dahil umalis na ang honeybee. Nagkataon din na nong icheck ni kuya ay wala na ang mga honeybee at honey. Tanging bahay nalang ang natira at nadiskubre namin na pitong magkakatabi ng honeybee ang ginawa nila sa loob ng speaker. Para sa inyong comment at suggestions just leave it down below.