Nangawil kami ngayong gabi gamit ang long line fishing na tinatawag na bundak sa busuanga. Magpapadaraw muna or maglalagay ng ilaw na nakatutok sa dagat para lumapit ang mga isda lalo na ang matambaka. Tapos bubundakan kung kakain sila. Bundak ay isang long line fishing na may maliit na nylon at may nakalagay na rintik na ibat ibang kulay at may mga 6-20 na kawil na nakalagay. hihilahilain lang siya at mararamdamam mo nalang kun may huli nakapag may pumipintig at bumibigat na ang bundak. Magdamag kami ngunit bigo dahil di gaanong kumain yung matmbaka. kinabukasan namisugo nalng kami at may huli din kahit konte. Salamat sa Dios may pangulam na kami kinabukasan. para sa inyong mga komento at suggestions pakisulat nalng po sa baba para alam ko kung napanuod niyo ang video.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento