Nanaginip Si Kuya nong isang gabi na merong papasok na honeybee sa loob ng bahay nila. Kinabukasan meron ngang mga honeybee na dumating sa kanilang sala at napansin nilang maraming pumapasok sa loob ng speaker. Ayon sa panaginip niya kunin daw niya ang honey tapos ipahid sa mata at kung ano ang makita niyang numero ay tayaan sa lotto at manalo siya ng 30 million Pesos tapos magpatayo daw siya ng isang malaking bahay na maraming mga rooms na kasya lahat ng pamilya niya at mga kapatid. Pero ang masaklap di na niya naharvest yung honey dahil umalis na ang honeybee. Nagkataon din na nong icheck ni kuya ay wala na ang mga honeybee at honey. Tanging bahay nalang ang natira at nadiskubre namin na pitong magkakatabi ng honeybee ang ginawa nila sa loob ng speaker. Para sa inyong comment at suggestions just leave it down below.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento