Mga tangay ang salabay or jellyfish ay isang makamandag at maaring mamatay ang sinumang masaputan ng kanyang galamay lalo na kung tamaan sa mga maseselang parti ng katawan ng tao. Gaya sa nasalabay na bata na halos mamatay dahil sa kamandag ng jelly fish or salabay na nasagi niya habang naliligo sa dagat. Pinagtulungan siyang bigyan ng first aid ng mga kapitbahay. hinaplosan ng buhangin, honey o pulot, pinainom ng pulot at hinaplusan ng mainit na tubig. pagkatapos ng ilang minuto ay nakarecover ang bata. binigyan din siya ng gamot ng isang nurse na tumingin sa bata. Kaya pinapayuhan ang mga bata o sinuman na mag-ingat sa dagat kapag ka naliligo lalo na sa panahon ng abril at mayo. Para sa inyong mga comment at suhestiyon o tanong maari niyo pong isulat sa comment section.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento