Mga tangay sa Busuanga ay may mga halamang lupa na nahuhukay na nakakalason, makamandag ang mga tinik ngunit nakakatulong sa mga tao bilang pagkain mula noong mga lumang panahon na nakagisnan nadin ng mga bagong generasyon. Kaya inalam namin at naghanap kami para hukayin ang mga ito matikman at paano ang proseso para pwede siyang makain. Isa na dito ang kurot na kailangang ibabad sa asin ng 30 minuto or isang araw sa dagat at 3-4 na araw sa umaagos na tubig. hahanguin tapos huhugasan pigaan bago siya isangag at makain. pwede ring ibilad sa araw patuyuin or tinatawag na rarip bayuhin at gawing powder gaya ng harina at pwedeng ihalo sa mga matamis na ginataan. Ang burot at tagya ay mga pagkain na mahirap din hukayin pero pwede agad na ilaga pagkatapos na hukayin. Ang burot or kapari lokal name ay mas mahirap hukayin dahil sa mga makamandag na tinik sa puno na parang mga coronang naka paligid sa puno. Masarap itong ilaga at gataan. Huwag po makalimot na i-like, share at magsubscribe sa Tangay Tv para updated ka sa aming mga bagong video.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento