Ang budol fight ay sama-samang pagkain ng sari-saring pagkain na nakalapag sa hapag-kainan. nakalgay ito sa isang mahabang papag or lamesa na ginagamitan ng saging at nakaayos ang kanin at sari-saring ulam o prutas.
Karaniwan ding itong ginagawa kapag may mga kasiyahan, fiesta or may mga okasiyong pampamilya or pampubliko. Madalas itong maraming klase ng putahe na ulam gaya ng mga inihaw na isda, lato, barbeque, pork chop,prutas, gulay, pancit at marami pang iba. Ginagawa din ang Budol Fight sa labas ng bahay at karaniwang nakatayo pero pwede ring nakaupo. Masaya ang Budol fight dahil pabilisan itong kumain at kailangang ubusin ang mga pagkaing natapat sa iyong pwesto. Kaya huwag kalimutang panuorin ang video para maikita mo kung paano kami nag budol fight at siyempre huwag kalimutang magiwan ng inyong mga komento at mag subscribe.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento