My second time experienced to harvest big honeybee and this time was really fun and challenging.. Mas mataas ang bahay ng pukyutan at mas matapang ang honeybee dahil nakagat kami ng ilang beses. Nagtakbuhan nadin ang iba naming kasama dahil natakot nadin silang makagat. samantalang ako ay nagtiis na makagat para makuhaan ko at matapos ang video. Successful ang aming harvest at nakakuha kami ng halos dalawang galon na honey.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento