Si Itim ay isang uwak na alaga ni Kasandra. binigay ito sa kanila mula ng baby pa. at inalagaan ito ng maige. binibigyan at sinusubuan ng kanyang pagkain. at itoy may tatlong buwan palang. napakaamo niya na ngayon at meron na siyang balahibo at marunong ng lumipad. Pero never na palang aalis ang isang uwak at itinuturing ka na niyang kapamilya. kaya napakasarap na kasama at nakakaaliw si Itim. lumilipad siya at lumalapit din kapag tinawag at marunong humingi ng pagklain kapagka nagugutom. the best din na alagaan gaya ni KIAW mynah bird. pero si Itim ay malaya siyang lumilipad at nakakaikot kung saan niya gustong pumunta.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento