Napadaan lang kami sa isa sa mga popular at magandang overlooking sunset view na resort na matatagpuan malapit dito sa Barangay Concepcion, Busuanga Palawan at siyempre binigyan nadin tayo ng chance ng caretaker na maikot ang resort para makita ang paligid nito sa kabila na sarado po ang resort ngayong mga panahon dahil sa nangyaring Corona Virus O COVID -19 Pandemic.. Halos lahat naman ng resort ay walang operation dahil sa nangyaring epedemya globally at siyempre wala pang malinaw na balita sa ating gobyerno kung kelan babalik talaga ang normal na buhay na maaari ng magtravel ang mga local and foreign tourist para maghang-out, bumisita, magbakasyon, magrelax at mag-enjoy ang mga turista, Para bumalik na sa normal na operation ang bawat resort kabilang na ang isa sa pinakakilala at popular ding resort dito sa Busuanga Palawan..ang AlFARO RESORT.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento