Kasama ang mga pamangkin ko.. sumama sila sa pamamana at
ma-swerteng nakakuha ng magagandang isda at siyempre bunos na ang malaking igat indong eel nakuha nila. madalas sa araw pinapana dahil matapang ang eel lalo na kung ganito na kalaki. posibleng mangagat at umatake ito kapag pinana mo sa gabi at dimo ito natamaan..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento