Lumaktaw sa pangunahing content

Scorpion Crabs Mud Crabs Manla Ginataan

May naglako po ng Mad Scorpion o Manla sa Busuanga Palawan. itoy galing sa karatig baranggay 8 piraso ang isang tuhog sa halagang 150 ay bumili ako dahil masarap itong gataan. kahit meron siyang after taste masarap padin dahil ang laman ay halos pareho sa alimango. Ang Scorpion ay karaniwang nakukuha sa malabuhangin na putik at meron itong butas kung saan doon siya nakatira sa ilalim. nakukuha ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bamboo trap sa butas ng bahay. karaniwang lumalabas ito sa gabi para kumain at nasa loob naman ng bahay nito sa araw. makikita mo na mataba ang manla or scorpion crabs kapag ka naninilaw o mala orange ang buntot nito.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

7th Tarahomonan Festival 2020 Sa Busuanga

Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.

Manguha Tayo Ng Kapis Talaba At Mga Shell Sa Bakawan

Ang Kapis, talaba at iba pang shell na makukuha sa bakawan ay isa sa mga pangunahing pagkaing kinukuha namin sa Busuanga Palawan. Itoy makikita sa mga sanga sangang ugat at nakasingit sa mga ugat ng bakawan. Karaniwang matataba ang mga kapis at talaba at meron itong iba't -ibang laki. hindi rin madali ang pagkuha ng mga Kapis at talaba dahil kailangan mo itong hanapin sa mga puno ng bakawan. Kailangan mo ding lumusong sa tubig at putikan lalo na kung hindi low-tide. Bukod sa kapis at talaba nakakuha din kami ng kibaw or Mad clams na mas mahirap kunin dahil kailangan mong apak-apakan sa ilalim ng putikan. mas mainam itong kunin kapag ka hindi masyadong malalim ang dagat. Bukod sa mahirap kunin dimo maiwasang kagatin ng mga nik-nik sa bakawan at lumubog sa mga putikan. Kaya mainam na manguha ng mga naturang pagkain sa bakawan kapagka mababaw ang dagat. magdala ng mga gamit tulad ng itak, guwantes, basket at masasakyan gaya ng balsa o banka. Masarap kainin ng sariwa ang k...

Super Daldal Ng Mynah Bird Kiaw Ng Palawan

Si Kiaw o Mynah Bird ay isang ibon sa Palawan, Paborito siyang alagaan ng mga tao dahil sa angkin nitong magsalita na parang tao. Nakakasunod siya kapag paulit-ulit mong kinakausap ng isang salita at kalaunan ay nagagaya na niya. Ang palong nitong dilaw sa ulo ay humahaba palatandaan ng kanyang gulang. Masaya kausap si siyaw lalo na't marami ng alam na salita at madaldal sa lahat ng dumadaan sa bahay.