Pumunta kami sa bukid nila auntie para manguha ng burot at tagya kaya naghanda narin kami para sa isang boodle fight na lunch.. siyempre marami kaming naihandang mga simpleng pagkain.. nagihaw kami ng isda, meron kaming petsay, sili, kasoy, langka, buko, bagoong, daing, sawsawan, tagya siyempre bagong bigas na kanin. Kaya simpleng budol fight na masaya at busog kaming laha. Salamat sa Dios sa mga biyaya at kalakasan na binibigay niya sa araw-araw.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento