Concepcion Falls Ito ay isa lamang sa pinakasikat na mga waterfalls na matatagpuan dito sa Busuanga Palawan. Halos araw-araw ay may mga pumupunta dito at halos laging puno. makikita dito parate ang pagdagsa ng mga local at foreign tourists. Matatagpuan ito sa pagitan ng Barangay Sagrada at Barangay Concepcion. summer time man or rainy days walang humpay padin ang mga bumibisita dito para mag enjoy sa malamig na tubig ng falls. Ito at may mababaw at malalim na bahagi na pwede sa mga bata at mga may edad na.. Dinarayo ito ng mga tao dahil sa malawak din na pool niya at pwedeng magdive at lumapit mismo sa bumabagsak na tubig nito. Meron din itong mga waiting shade at lamesa para sa mga kumakain at merong ding CR. siyempre lahat ng mga bumibisita ay kailangang mag log-in at maglista ng pangalan para malaman kung sino ang mga bumisita sa araw na yaon para din malaman ang records kung sakaling may mangyaring aksidente sa loob ng waterfalls. Siyempre bawal magkalat ng basura dito..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento