Dahil sa sirang road access papasok sa tandol at para maiwasan ang aksidente ay nagtulong tulong ang mga ilang residente ng tandol na ma semento agad ang lubak na daanan kasama ang mga tangay na agad maayos ang sirang daanan. Salamat kay Poldo at mga tangay kay kagawad Rogelio Abreu sa pagtulong na makakuha ng buhangin at Mr. Rey Carillo sa pag donate ng 2 sakong cement at sa mga tumulong para agarang maayos ang ating daanan. Bayanihan, pagkakaisa at sama-sama para mabilis at magaan ang paglutas ng problema.. Salamat mga tangay..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento