Mahigpit na babala at paalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga mangingisda at naglalayag sa buong Pilipinas ang mga sumusunod para maiwasan ang mga trahedya at aksidente sa karagatan:
1. Alamin ang lagay na panahon bago pumalaot.
2. Makinig sa radyo at manood ng television ukol sa mga ulat panahon.
3. Huwag maglayag pag may bagyo o kapag masama ang panahon.
4. Tumulong sa pagbibigay ng mga paalala, babala at pagbabawal sa paglalayag sa panahon ng bagyo sa iba pang mga kasamahang mangingisda.
5. Kung maganda ang panahon, tiyaking maayos ang makina at mga katig ng bangka bago maglayag at magdala ng mga gamit pangkumpuni.
6. Ipagbigay alam sa inyong barangay kapitan o lokal na opisyal ang gagawing paglalayag at mag-iwan ng contact number.
7. Alamin at tandaan ang mga hotline numbers ng Coast Guard, NDCC, AFP
PNP at ng inyong mga barangay at bantay dagat.
8. Magdala ng sapat na life jackets, flashlights, baterya at pito sa paglalayag.
9. Magdala rin ng fully charged na cell phone at transistor radio sa paglalyag.
10. Ugaliing Magkaroon ng kasama o huwag labis na lumayo sa iba pang mga kasamahang bangka.
11. Hangga't maaari, huwag pumalaot sa mga lugar na walang signal at ipagbigay alam ang inyong kinaroroonan.
12. Patuloy na alamin ang lagay ng panahon, laging isa isip ang sariling kaligtasan, at huwag makipagsapalaran sa masamang panahon.
PCG Hotlines: 527-3877/527-8481
Hot Text: 0917-7243682/0917-PCGDOTC
www.coastguard.gov.ph.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento