Mga tangay ginataan namin ang iba't ibang mga shell na nakuha namin sa isla. At siyempre kailangan mong itaktak, sipsipin at gamitan ng perdeble ang mga shell na ito bago mo makain. Yng simbray ay ginawa naming kilawin fresh lang siya at nilagyan lang ng dinikdik na mangga at mga spicy.. Masarap palang kilawin ang Simbray or Abalon Shell.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento