Ang gaganda na naman ng isdang napana ng mga tangay ngayong gabi. Di tayo nakasama dahil busy tayo sa shop.. nakakuha sila ng isang Grouper na about 3.5kls. maraming variety ng lapu-lapu at ibat ibang parrot fish, samaral, dalagang bukid, matampusa, at marami pang iba. Sarap ng buhay sa probinsiya sagana sa mga yamang dagat.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento