Naglaro kami ng mga buto ng kasoy mga dating larong pinoy sa Busuanga Palawan kapagka panahon ng kasoy.. Merong limang laro na madalas laruin ng mga batang Palawan gaya ng Siklot, Adding, Taching, Shutan at Targetan. Mga larong pinoy na unti unti ng natatabunan ng makabagong panahon dahil sa mga electronics at gadget. So paminsan minsan muli nating balikan ang mga dating nakagawian.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento