Hibas or low-tide po ngayong araw kaya naisipan kong manginas at manguha lang ng lato para may pandagdag sa ulam.. kaya mabilis lang kaming nakakuha ng isang palangganang lato para lang sa dalawang araw na ulaman. So salamat s aDios sa mga yamang dagat na nakapaligid sa amin dahil kahit papaano ay nakakakuha kami ng mga sariwa at masasarap at libring ulam mula sa dagat.. marami siya actually pero limit lang yung kinuha namin para meron pang balikan sa ibang araw at ganon din ang ibang mga taong gusto din manguha ng lato.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento