Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ganito Mag Atip Ng Bubong Na Nipa

Mga Tangay nagpalit kami ng bubong ng Photoshop.. Siyempre kami ang nanguha ng nipa, nagpaod (nagtahi) at nagbabad at naghango sa dagat. Dina ako bumili ng nipa dahil meron naman kaming sariling nipahan at kasama ko sila nanay at tatay na gumawa nito.. Namigay narin tayo ng icedrop habang may dumadaan sa shop.. Huwag pong makalimot na i-like at magiwan ng inyong mga komento..

Pitas Ng Kasoy Harvest cashew

Almusal kami sa dahat at namitas ng kasoy. Marami kaming napitas at namigay din sa kapitbahay.

Gumawa At Magpalipad Ng Saranggola Sa Tuktok Ng Bundok

Dahil Summer time ininganyo ko ang aking mga pamangkin na gumawa ng malaking saranggola at kung sino makagawa ng maganda at matayog lumipad ay bibigyan ko ng premyo. At siyempre umakyat kami sa taas ng bundok para doon gumawa at magpalipad.Gumawa kami ng dalawang team kaya masaya kaming umakyat sa bundok at habang gumagawa ng saranggola. Nagbaon nadin kami ng miryenda kaya masaya ang mga team dahil maganda din ang view na dinatnan namin sa ibabaw ng bundok. In this modern time we encourage our youths not to forget or old games like playing kites or saranggola. Huwag kalimutang i-like mag comment at i-share ang aming mga videos.

Ganito Maglinis Ng Tourist Boat Sa Ilalim Ng Dagat

Naglinis kami ng banka habang naliligo sa malalim na dagat. Kinuskos namin ang banka sa ilalim ng dagat. At Nagvideo sa ilalim ng dagat. enjpoy kaming naglilinis habang naliligo sa banka.

Ganito Karaming Crabs Alimasag Ang Nakuha Namin Sa Gabi Sa Palawan

Nangilaw kami sa isang isla sa Busuanga Palawan at maswerte dahil isang palangganang malaki ang aming nakuha. Good for 3 days yung Alimasag na nakuha namin. Pagkauwi nagluto akmi ng ulam kaya enjoy ang aming hapunan.

Wild Ube o Burot kapari Mas Masarap Kesa Ube Nilaga Man or Ginataan

Gumawa kami ng ginataang Burot hinaluan ng ube at langka. Ang Burot o Kapari ay isang root craft na kapamilya ng starch. Kamukha din siya ng ube. Mahirap hukayin dahil maraming tinik na malakorona sa mga puno nito nakabaon at nakalutang sa lupa ang mahahaba nitong tinik na may habang 2 -3 inches ang haba. Isa itong pagkain na pwedeng lagain o gataan gaya ng Kamote, gabi at ube. Ito rin ang nagsilbing mga pagkain ng mga tao noong panahon ng World War - ll. Just leave your comment and suggestions o tanong sa comment section. Huwag po makalimot na i-like, share at magsubscribe sa Tangay Tv para updated ka sa aming mga bagong video.

Super Daldal Ng Mynah Bird Kiaw Ng Palawan

Si Kiaw o Mynah Bird ay isang ibon sa Palawan, Paborito siyang alagaan ng mga tao dahil sa angkin nitong magsalita na parang tao. Nakakasunod siya kapag paulit-ulit mong kinakausap ng isang salita at kalaunan ay nagagaya na niya. Ang palong nitong dilaw sa ulo ay humahaba palatandaan ng kanyang gulang. Masaya kausap si siyaw lalo na't marami ng alam na salita at madaldal sa lahat ng dumadaan sa bahay.