Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Simpleng Nylon Trap At Manok Panghuli Sa Labuyong Manok

Sumama tayo nagpangati sa bukid ng labuyong manok.. Naglagay ng pangkating manok at trap para kung lalapit ang labuyo sa pangkati na manok ay matrap siya sa mga tali nanakapalibot sa pangkating manok.. hindi lang namin nakuha dahil ayaw lumapit ng labuyo sa katian..

Pagtatanim Ng Palay Sa Bukid O Panggas Sa Palawan

Ang Panggas, ay mag tugda at pukayaw at gibo sa bukid or bundok.. Ito ang tawag sa pagtatanim ng upland rice sa bukid.. Kailangan mong mag suhol ng mga taong gagawa or bayanihan na kung saan gaganti ka rin ng panggas sa taong nakipanggas sayo kapag ka meron din silang panggas sa kanilang lupa.. Masaya ang panggas lalo na kung may mga gumigitara at kumakanta ng mga pang-indayog at pangsayaw na mga kanta. Ganado ang lahat sumasayaw habang nagtutugda [gumagawa ng butas] at ganon din ang mga nagpupukayaw [naglalagay ng palay sa butas] at mga nagigibo [nagtatakip sa mga butas na nalagyan na ng palay]. Tapos may kainan agahan, tanghalian at pamiryenda sa hapon.

Mga Isdang Nahuhuli Sa Pana Spearfishing Sa Araw

Maswerteng nakakuha ng malalaking isda ang mga tangay.. dalawang araw silang namana pero di tayo nakasama dahil busy ang inyong tangay sa shop at pag edit ng mga videos. Nakakuha sila ng mga Lapu-Lapu, Bayang, Sapatos, Darag-Darag, Parrot Fish at marami pang iba.. Solve ang aming pang-ulam dahil sagana sa isda..

Mangilaw Ng Palaka Alimasag Sugpo Sa Bundok

Mga tangay first time namin mangilaw ng kagang/river crab, Urang/river shrimp, Palaka/water frog sa bukid. Masarap pala mangilaw sa gabi kaya lang kailangan may mga gamit like pana para di makatakas ang mga palaka at Urang. Di namin nahuli ang malaking sugpo at isda. Halos hating gabi na kami nakauwi. nadulas din ako ng tatlong beses dito dahil walang spike ang sapatos kong suot.

Sangang Ng Kalahating Sakong Buto Ng Kasoy

Bumili ako last time ng buto ng kasoy at sinangag po namin mga tangay sa isla na may beach na walang tao. Sinangag namin ito after ng aming fishing. At sa malayo naduin kami nagsangag para iwas sa mga manok dahil posibleng magkasakit ang manok once na malanghap ang usok nito. Nagsawa kami sa Kasoy dahil sobrang dami hanggang abutan na kami ng ulan. Inuwi namin ang iba sa bahay at kanyakanya na silang basag ng kanilang kakainin.

Namana Spear Fishing Nag-ihaw At Kumain Sa Isla

Sa video na to actual po kaming namana gamit ang Pana Spearfishing sa malalim. Kasama namin si Benjun isa sa mga expert na magsisid sa ilalim ng mga 10- 15 metro at mamana ng isda. Diko siya actual na nakunan ng video kung paano niya pinana ang isda dahil diko kayang abutin ang lalim ng kanyang sinisisid. at tanging mobile lang ang gamit ko na binalutan ng plastic kaya di masyadong malinaw. mag-iwan po kayo ng inyong mga comment at huwag kalimutang i-like at share ang aming mga video.. Salamat po mga tangay.

Ganito Mag Atip Ng Bubong Na Nipa

Mga Tangay nagpalit kami ng bubong ng Photoshop.. Siyempre kami ang nanguha ng nipa, nagpaod (nagtahi) at nagbabad at naghango sa dagat. Dina ako bumili ng nipa dahil meron naman kaming sariling nipahan at kasama ko sila nanay at tatay na gumawa nito.. Namigay narin tayo ng icedrop habang may dumadaan sa shop.. Huwag pong makalimot na i-like at magiwan ng inyong mga komento..