Pumunta kami sa sugod/bukid nila anti at uncle para manguha ng tae ng kalabaw at naligo sa ilog. Namitas din kami ng Langkang hinog at namitas na din kami ng bayabas at habang masaya kaming namimitas ay bigla nalang kinagat ang dalawa ng ahas daw yun pala putakti.. tuwang-tuwa kami sa mga karanasan nila sa bukid.. super saya pumunta sa mga bukid at balikan ang mga panahon nuon na umakyat sa mga puno ng bayabas.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento