Ngayong araw natin naisakatuparan ang ating sinisigaw na NO sa 3n1 ng Palawan at abangan ang Resulta ng botohan dito sa Barangay Concepcion. Salamat sa Dios dahil ang laki ng lamang ng NO patunay na nakinig namulat na ang mga taga Concepcion sa maling kalakaran tuwing merong eleksiyon. Di kaila merong Vote buying na nangyayari at namimigay ng pera kahit sa maliit o malaking halaga. Ang pera ay hindi garantiya para manalo ka dahil naniniwala akong "love is greater than money". Kahit bilyunario ka kung kinasusuklaman ka ng mga tao, Yes lang dahil sa pera pero NO parin pagdating sa Balota.. Kaya mag-isip-isip na ang mga pulitikong tumatakbo para lang sariling bulsa.. sa darating na mga eleksiyon babay babay na..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento