Isang sea cucumber sa buhanginan na palautog.. humahaba at tumitigas kapagka iyong hinihimas. umiihi din ito kapag pinisil mo ang katawan. kailangan mo siyang sundutin sa butas at hawakan ang dulo para di siya makapailalim sa bahay nito. kailangan mo siyang hawakan at hilain palabas sa kanyang bahay . Minsan mahirap kunin dahil nakakubli ito sa ilalim ng bato kung minsan magaan lang na tanggalin lalo na kung walang batong nakaharang sa pinagbahayan nito. kailangan mo din itong huimasin at patigasin para maganda ang pagkayas nito sa balat para linisin at kayasin ang pinakabalat biyakin at tanggalin ang dumi sa loob ng katawan at hiwahiwain ng maliliit bago isawsaw sa suka at kainin..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento