Halos Taon Taon Ang Mga kabahayan sa Coastal Area ng Barangay Concepcion Pinapasok Ng Malalaking Alon dahil sa Sobrang lalim ng dagat. Sana Mabigyan Ng Attention at Pansin ng Gobyerno lalo na ng National Housing Authority (NHA) at LGU-Busuanga na mabigyan ng housing or pabahay ang mga residente na nakatira sa mga tabing dagat or Coastal area maging sa bawat sulok ng Pilipinas at lalo na sa mga taga Barangay Concepcion Busuanga Palawan na madalas nakakaranas ng ganitong paglubog ng mga kabahayan sa panahon ng habagat at bagyo.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento