December 25 Christmas day sumama tayo sa banca race sa Barangay Concepcion Busuanga, Palawan na kung saan nakaugalian parate ang Banca Race, para na din sa kasiyahan ng mga fisherman ng Barangay na lumalahok at para makakuha din ng mga reward at premyo mula sa mga sponsor at siyempre sa tulong nadin ng organizer para magkaroon ng Banca Race.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento