Mondragonville Garden isa sa mga sikat at bagong pasyalan ngayon sa Barangay San Nicolas, Coron, Palawan. Meron silang Swimming pool, basketball court, tabing ilog at videoke at cottages na pwede niyong eenjoy sa araw man o gabi.. Tiyak na mageenjoy kayo sa swimming pool at river at ganda ng paligid. Kung naghahanap po kayo ng mapapasyalan perfect ang lugar para sa buong Family at buong barkada.. Samahan niyo kami at ikutin natin ang Mondragonville.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento