Nagsisid kami sa mga bahura para manguha ng Pen Shell Or locally called Black Maron in Busuanga Palawan at Sand Oyster or Palaha sa Busuanga. Nakakuha kami ng 5 pcs na Penshell at isang baldeng Palaha. Ang Pen Shell ay Masarap adobohin or igisa lang at yung sand oyster ay masarap namang ihawin at isawsaw sa suka.. solve na ang dinner dahil sa mga fresh na seafood na abot kamay lang dito sa Busuanga Palawan.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento