Ang video po na ito ay actual na footage sa Barangay Concepcion Busuanga Palawan habang kasalukuyang nakataas sa signal number 2 ang Northern Palawan/Calamian Groups of Island kasama ang Busuanga sa mga tinamaan ng bagyong Quinta. Ilan lang po ito sa mga bangkang nawasak at nasira ng bagyong Quinta. Inikot po natin ang bahagi ng coastal area para makita ang condition habang hinahambalos ng bagyong Quinta... Meron pong mga bahagi ng bahay na nasira, nagiba, nadaganan ng mga punong kahoy at mga bangkang lumubong at nawasak, mga pananim na naputol, nabuwal at nasira ng bagyong Quinta. Salamat sa Dios dahil wala namang napinsalang buhay. Maging sa ilang bahagi ng Busuanga Ay marami rin nangyaring kagaya nito.. mag-iingat po tayo at laging handa sa mga susunod pang bagyo at kalamidad na darating..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento