Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Batunan O Sea Cucumber Patigasin Muna Bago Kainin

Nanginas lang ako ng kakaibang ulam gaya ng batunan or cucumber na nakalubog o nagbabahya sa ilalim ng buhanginan na may mga bato-bato.. masarap itong kainin at isawsaw lang sa suka.. kailangan mo lang itong linisin ang balat tapos biyakin ang katawan at alisin ang lamang loob at hiwahiwain na maliliit bago kainin. minsan may part na makunat din minsan malambot din itong kainin. Masarap itong ulam o papakin lang habang isinasawsaw sa suka.

Decabobo Coron Palawan Philippines Wow Ganda Ng View

Long ride to Barangay Decabobo Coron Palawan.. Spectacular beauty of nature. plantations, rivers, Zigzag and overlooking roads, amazing and wonderful road trip.. namasyal lang kami at nagbisita sa mga relatives at namitas nadin ng buko at gumawa ng fresh buko salad.. wow enjoy at sarap ang aming lakad dahil sa mgagandang tanawin na nadadaanan.

Pitas Buko Gawa Buko Salad Juice Sa Sitio Dukol Decabobo

Long ride mga tangay to Sitio Dukol Decabobo Coron Palawan.. namasyal lang kami at nagbisita sa mga relatives at namitas nadin ng buko at gumawa ng fresh buko salad.. wow enjoy at sarap ang aming lakad dahil sa mgagandang tanawin na nadaanan plus refreshing ang buko mga tangay..

Nanginas Nag-ihaw Kumain Sa Isla

Pumunta kami sa isang isla para manginas o manguha ng mga sea snails or mga sand or stone snails at marami kaming nakuha at napakaraming maliliit na mga snails na nagkalt sa batuhan.. masarap itong sabawan at mayaman sa calcium ang mga ganitong klaseng ulam.. Nagkitakita din kami ng ibang mga tangay sa lugar at nag-ihaw nadin tayo ng isda at kumain sa tabing dagat.

Mud Clams Kibaw Masarap Gawing Soup

Nagluto tayo ng Mud Clams or kibaw ang tawag sa Busuanga Palawan isang lamang dagat na nakukuha sa ilalim ng putik sa bakawan na may lalim na mga isang metro ang lalim nito sa putikan. Inaapakapakan o kinakapa lang ito ng paa sa ilalim ng putikan. I to ang kibaw na manipis ang shell na madaling mabasag at meron itong manipis na laman kumpara sa isang makapal na kibaw na nakukuha sa mababaw na putikan.. masarap itong gawing soup, kilawin or ihalo sa iba pang mga lutuin..

Needle Fish Balo Ganito Huliin Gamit Ang Hibla Ng Special Nylon

Day Fishing gamit ang long line fishing pero Subid-Subid ang tawag sa Busuanga dahil panay ang hila hila ng kawil habang tumatakbo ang banka.. pero walang pain at kawil kundi ang mga hibla ng isang special na nylon na iba't ibang kulay na pangakit sa isdang balo or needle fish.. nakahuli kami ng apat na piraso. Masarap ding iprito at isigang ang isdang ito. madalas itong nakikita sa ibabaw lang ng dagat at karaniwang nanghahabol ng mga nakalutang ding isda at meron itong mahabang nguso na may matatalas na ngipin na parang lagari..

Hatid Isda Sa Bukis Pasalubong Sa Mga Matatanda

Naisipan lang nating dalhan ng sariwang isda at daing ang mga matatanda sa bukid para meron silang pang ulam at humingi nadin tayo ng talbos ng kamote. ang ganda sa bukid mga tangay.. simpleng buhay sa probinsiya napakaganda ng luntiang bukirin.. sarap mamuhay sa ganitong mga lugar..