Nanginas lang ako ng kakaibang ulam gaya ng batunan or cucumber na nakalubog o nagbabahya sa ilalim ng buhanginan na may mga bato-bato.. masarap itong kainin at isawsaw lang sa suka.. kailangan mo lang itong linisin ang balat tapos biyakin ang katawan at alisin ang lamang loob at hiwahiwain na maliliit bago kainin. minsan may part na makunat din minsan malambot din itong kainin. Masarap itong ulam o papakin lang habang isinasawsaw sa suka.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento