Nagluto tayo ng Mud Clams or kibaw ang tawag sa Busuanga Palawan isang lamang dagat na nakukuha sa ilalim ng putik sa bakawan na may lalim na mga isang metro ang lalim nito sa putikan. Inaapakapakan o kinakapa lang ito ng paa sa ilalim ng putikan. I to ang kibaw na manipis ang shell na madaling mabasag at meron itong manipis na laman kumpara sa isang makapal na kibaw na nakukuha sa mababaw na putikan.. masarap itong gawing soup, kilawin or ihalo sa iba pang mga lutuin..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento