Day Fishing gamit ang long line fishing pero Subid-Subid ang tawag sa Busuanga dahil panay ang hila hila ng kawil habang tumatakbo ang banka.. pero walang pain at kawil kundi ang mga hibla ng isang special na nylon na iba't ibang kulay na pangakit sa isdang balo or needle fish.. nakahuli kami ng apat na piraso. Masarap ding iprito at isigang ang isdang ito. madalas itong nakikita sa ibabaw lang ng dagat at karaniwang nanghahabol ng mga nakalutang ding isda at meron itong mahabang nguso na may matatalas na ngipin na parang lagari..
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento