Kasama ng TANGAY TV ang Al Faro Foundation, Al Faro Staff, sa pakikipagtulungan ng mga Barangay official ng Brgy. New Busuanga naipaabot natin ang tulong o ayuda na bigas at itlog. Sa pangunguna ni Mam Evelyn Historillo naging matagumpay ito at masaya ang ating mga kababayan na nakatanggap ng konting tulong mula sa Al Faro Foundation. Lubos ding nagpapasalamat ang mga taga New Busuanga sa Al Faro Foundation at mga Sponsors nito. We would like also to thanks Sir Jimmy and Nenita, Sir Joe and Paulita and Friends and all sponsors of Al Faro Foundation.
Ang Tarahomonan Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre. From 4th to 16th of December. Nagsimula ito After ng Yolanda bilang pagtutulong-tulong ng mga Busuangaeneos na maibangon ang economya ng Busuanga. Ang "Taramohonan" ay salitang kalamianes na nangangahulugang tulong-tulong. Tuwing Taramohonan Festival ay merong mga kubol ang bawat barangay na kung saan dinadala nila ang mga produktong mula sa kanilang mga barangay upang ibenta. Kasabay din nito merong mga programang mapapanood tuwing gabi na inihanda gaya ng iba't-ibang uri ng mga sayaw, kantahan, tugtugan, na pwedeng mapanood ng mga tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento